Tuesday, September 18, 2007

hindi na talaga ako nakakasawa na ang buhay

hindi na talaga ako nakakasawa na ang buhay buhay.  trabaho? ako magtratrabaho? oo.  may trabaho ako. freelance ako eh. malaki ang kita, pero depende kung masipag ka.  may balak akong kuning trabaho. siguro isang taon lang ako dun. for experience purposes lang. pero malay natin diba, mahalin ko xa bigla, baka ituloy ko na.  basta gusto kong mag aral ulit.  mag aral ng mag aral.. masarap mag aral.  ewan ko ba... nakaka-adik mag aral lalo na pag mahal mo yung pinag aaralan mo. kung may pera lang ako, kahit 80 nako mag aaral parin ako ng mag-aaral. masarap ang pakiramdam ng may bagong natututunan.  gusto ko culinary arts, pagnatapos ko na lahat ng modules na pwedeng pag aralan sa culinary arts, pupunta ako ng forensic.  sobrang mahal ko ang forensic.  bago pa man nauso ang CSI na yan.  pag may tatay kang tulad ng akin, matagal ka na ring adik sa mga bagay bagay.  alam nio ba kung bakit masaya ang forensic?  dahil masarap ang magbuo ng puzzle. lalo na kung kasing laki ito ng tao. bata pa ako nang nahilig ako sa mga young puzzle.  yan ang matinding libangan ko, nang natapos ako sa jigsaw, sa crossword puzzle naman, ngayon sa sudoku.  bobo ako sa math pero eto lang ang numbers game na gustong gusto ko, di ko sinumpa ang numero.  pagnatapos ko to susubukan kong balikan ang genetics.  natutunan ko yan nung hayskul. sana lang buhay pa ako para mapag aralan ko lahat ng ito.

No comments: